Habang ang iyong mga diskarte sa content at promotions ay may malaking epekto sa iyong base ng subscribers at mga rate ng conversion, hindi lamang ang mga iyon ang dapat isaalang-alang. Mahalaga rin ang visual na apela ng iyong channel. Sa katunayan, ang disenyo ay ang unang bagay na napapansin ng isang potensyal na subscriber.
Ang pangalan, bio (maikling paglalarawan), at avatar ay ang mga pangunahing elemento ng disenyo ng iyong Telegram channel. Ang iyong bio ay dapat na:
- malinaw
- nagbibigay-kaalaman
- maiksi.
Subukan isiksik sa 200 characters ang lahat ng mahahalagang impormasyon, kahit na ang limitasyon ng characters ay 255. Mababasa ng mga gumagamit ang iyong teksto nang mabilis at madali sa ganitong pamamaraan. Ilagay dito ang mga contact information at niche ng iyong channel. Maaari mong bigyan ang iyong bot ng pangalan, i-link sa iyong pricing schemes, at iba pa.
I-click ang icon ng Menu at piliin ang “View channel info” upang makita ang iyong bio.
Gamitin ang wika ng iyong target na madla sa pagpili ng pangalan para sa iyong Telegram channel. Sa 1-3 salita, dapat ipahayag ng pangalan at katangian ng iyong channel. Kung nais mong mapalago ang iyong audience sa Telegram, mabuting isama ang mga mahahalagang keywords sa iyong pangalan.
I-click ang icon ng Menu at piliin ang “Manage Channel” upang mabago ang iyong pangalan o bio.
Ang mukha ng iyong Telegram channel ay ang iyong avatar. Ang maliit na grapiko na ito ay ang responsable sa visual association ng mga madla sa iyong channel. Inirerekumenda naming gamitin mo ang logo ng iyong kumpanya bilang iyong avatar para sa ma mahusay na brand awareness. Ang Telegram, tulad ng karaniwang mga apps, ay gumagamit ng mga bilog na avatar. Hindi mo kailangang i-crop ang iyong larawan dahil gagawin ito ng Telegram para sa iyo. Kailangan mo lamang mag-upload ng isang 300px x 300px square na imahe. Tiyaking nasa gitna ang pinakamahalagang bahagi ng iyong disenyo.
Maaari kang lumikha ng logo para sa iyong Telegram avatar gamit ang mga sumusunod na paraan:
- Sa isang stock photography website. Maaari kang humanap ng mga larawan depende sa iyong theme nang libre dito. Subalit, hindi ka makakasigurong walang ibang gumamit ng kaparehong larawan mula rito.
- Kumuha ng isang propesyonal na gagawa ng iyong logo. Makakakuha ka ng isang one-of-a-kind na disenyo na perpektong tumutugma sa katangian ng iyong kumpanya sa tulong ng isang propesyonal na logo designer. Subalit, maaari kang singilin nang mahal para sa naturang serbisyo.
- Gumamit ng logo maker online, tulad ng Logaster. Maari mong gawin nang mag-isa ang iyong logo mula sa dose-dosenang mga pagpipilian na disenyo matapos ilagay ang pangalan ng iyong channel at industriya.
Piliin ang “Manage Channel” mula sa icon ng Menu upang mag-upload ng isang logo. Pindutin ang icon ng camera sa isang bagong window.
I-upload ang logo mula sa iyong telepono o tablet. I-adjust ang iyong larawan ng iyong logo.
I-click ang “Save”. At, tapos na! Ang iyong Telegram channel ay mayroon nang avatar.
Paano Pinapatakbo Ang Isang Telegram Channel?
Admins
Bilang default, ang tagapagtatag ng channel ang nagiging admin nito. Maaari kang magdagdag ng higit pang mga administrator mula sa iyong subscriber base kung kailangan mo ng tulong sa pangangasiwa ng iyong channel. Maaari mong bigyan ang bawat admin ng limitado o kumpletong kontrol sa channel. Halimbawa, maaari mong bigyan ang isang administrator ng kakayahang mag-publish at mag-update ng content habang nakalimita ang kakayahan nitong magdagdag ng mga bagong subscriber.
Upang magdagdag ng isang administrator, pumunta sa Settings – Manage Channel – Administrators – Add Administrator. Piliin ang naaangkop na user mula sa listahan ng mga subscribers. Sa screen, isang bagong window ang magbubukas. Suriin ang mga pahintulot na nais mong ibigay sa iyong administrator.
Pindutin ang “I-save”.
Hashtags
Sa social media, ang mga hashtag ay isang mabilis na pamamaraan upang makahanap ng nauugnay na content. Tiyaking gumamit ng mga hashtag sa bawat isa sa iyong mga post upang maibahagi ang iyong mensahe nang mas malawak. Mayroon kaming dalawang kapaki-pakinabang na gabay para sa iyo:
- Iwasang gumamit ng mga hashtag na binubuo ng maraming mga salita. Hatiin ang isang hashtag tulad ng #marketingnewsinusa sa mas maliit na mga hashtags tulad ng “#marketing, #news, #usa.”
- Ang iyong mga hashtag ay dapat na nakasulat sa wika ng iyong target na madla.
Polls
Upang maglunsad ng isang poll sa Telegram noon, kailangan mo pang gumamit ng bot. Ngayon, maaari mo na itong gawin nang mas madali gamit lamang ang dalawang clicks. Pindutin ang “Create Poll” mula sa Menu icon. Gumawa ng isang listahan ng hanggang sa sampung mga pagpipilian para sa iyong pagtatanong. Ang paggamit ng mga polls upang humingi ng input mula sa iyong madla ay isang mabisang pamamaraan. Kung iniisip mong baguhin ang iyong channel sa anumang paraan, tiyaking kumuha muna ng feedback mula sa iyong mga subscribers.