Ginagamit ng mga kumpanya at negosyo ang Telegram para sa marketing dahil ang mga pakinabang ng platform na ito ay maaaring mas malaki pa kaysa sa WhatsApp.
Ang katanyagan ng Telegram ay umangat sa panahon ng pandemya dahil sa ito ay madaling gamitin at kapaki-pakinabang sa mga negosyo. Ang platform ay patuloy na humuhusay sa engagement at opportunities na may higit sa 400 milyong mga aktibong buwanang users at 70 bilyong mensahe na ibinabahagi sa network araw-araw. Narito ang ilang mga kadahilanan kung bakit dapat mong isaalang-alang ang paggamit ng Telegram upang itaguyod ang iyong negosyo.
Ang Telegram Ay May Mataas na Antas ng Pakikipag-ugnay o Interaction
Ang Telegram ay may mataas na antas ng interaction dahil sa mga gif at kakayahan para sa mga developer ng app na lumikha ng kanilang sariling mga features at bots. Ayon sa mga pag-aaral, ang Telegram ay may 20% view rate, samantalang ang Instagram ay may 3% at ang Facebook ay may 4%.
“Dahil kami ay isang dynamic at nakasentro sa millenials, gumagamit kami ng Telegram para sa marketing tulad ng Instagram,” sabi ni Punyashloka Panda, tagapagtatag ng experiential education business, Blueyard Education. Ang malaking bilang ng mga users na maaring isama sa mga Telegram group ay tumulong din sa pagpapadala ng mensahe ng kumpanya sa madla. “
Dahil ang karamihan sa mga millennials ay umabot na sa saturation point sa Instagram, araw-araw ninanais na nilang iexplore ang iba pang mga applications, ang engagement ng Telegram ay kahanga-hanaga sa panahon ng pandemya.
Ang Telegram, Hindi Tulad Ng Whatsapp, Ay Walang Limitasyon Sa Bilang Ng Tao Sa Isang Group
Pagdating sa pagtataguyod ng iyong kumpanya, nais mong maabot ang maraming tao hangga’t maaari. Ang WhatsApp ay nabawasan ang mga laki ng group sa 200 mga kasapi, na lubhang nililimitahan ang mga prospect sa networking. Walang limitasyon ang Telegram sa laki ng groups. Bilang isang resulta, kung nag-post ka ng isang anunsyo sa Telegram, mas malamang na maabot ang isang mas malaking madla. Sa Telegram, ang ilan sa mga pinakatanyag na grupo ay mayroong higit sa isang milyong miyembro. Ang paggamit ng mga organisasyong ito upang itaguyod ang iyong tatak o mga bagong anunsyo ay maaaring makatulong sa iyong kumpanya na maabot ang isang mas malawak na madla.
Human-to-human Na Pakikipagugnayan
Gumagamit ang Telegram ng mga ‘groups’ para sa marketing. Ang mga customer sa Telegram ay nararamdaman na bahagi sila ng isang mas malawak na pangkat na may magkatulad na interes at mas malawak na konsepto ng brand. Sa gayon, ang marketing ay mas epektibo. Ang mga customers at nakakaramdam na mas direkta ang pakikipagugnayan sa kanila ng mga brands, na siyang lumilikha ng pakiramdam ng involvement. Ang Telegram ay nagtataguyod ng mas engaging na marketing atmosphere sa mundo na kung saan talamak ang isolation dahil sa teknolohiya.
Ang Mga Bots Ng Telegram Ay Mabisa Sa Marketing
Maaaring magamit ang mga bot ng Telegram upang i-automate ang marketing sa network. Ang mga negosyo ay maaaring bumuo ng bot na siyang gagawa ng ilang mga trabahong pangmarketing. Ang marketing ng telegram bot ay mas epektibo ng pangmatagalan. Mayroon ding mga libre at simpleng bot na inaalok sa platform. Ang isang bot ay maaaring magamit hanggang kailan mo nainisin pagkatapos itong mabuo.
Makakatulong din ang Telegram sa iba pang mga platform ng social media dahil maaaring mapahusay ng mga pangkat ng Telegram ang pakikipag-ugnayan sa Instagram at Facebook. Makatutulong ito na dagdagan ang engagament sa maraming mga platform ng social media.
Ang Telegram Ay Mas Secure Na Messaging App
Dahil sa lumalaking pag-aalala tungkol sa seguridad at pag-encrypt ng WhatsApp, napatunayan na ang Telegram ay isang mas ligtas na platform para sa pagtalakay ng mga usapin patungkol sa negosyo at pakikipag-usap sa mga empleyado. Dahil sa pagdami ng mga work-from-home sa pandemic, maraming mga kumpanya ang gumagamit ng Telegram upang makipag-usap sa kanilang mga empleyado.
Nagbibigay din ang Telegram ng mga features tulad ng mga secret chats at self-destructing messages na wala sa WhatsApp. “Ginagamit ko ang self-destructing messages sa Telegram tuwing nais kong pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na hindi dapat lumabas o kumalat sa sinumang tao,” sabi ni Rahul Bajaj, co-founder ng Everest digital.