Ang Telegram ay isang tanyag na app para sa pag-akit, pagdami, at pagpapanatili ng isang target na madla. Ang mga kumpanya, brands, at mga negosyo ay aktibong gumagamit ng mga telegram channel upang makamit ang iba’t ibang mga layunin, mula sa pagtaas ng katapatan ng kliyente hanggang sa pagpaparami ng mga benta.
Ang Telegram ay may isang matatag na koleksyon ng mga tools para sa paggawa, pamamahala, at pagsubaybay sa mga posts. Ang aming rekomendasyon ay isipin ang Telegram bilang isang blog ng kumpanya. Gamitin ang messenger na ito upang maghanap ng iyong sariling personal na istilo, buuin ang tiwala ng iyong madla, at pagbutihin ang iyong kakayahang lumikha ng natatanging content.
Tingnan ang aming mga payo sa pamamahala ng content:
- Huwag mag-post ng bagong content sa gabi. Dahil hindi lahat ng mga gumagamit ay naka-off ang mga alert o notifications sa gabi, maaari mong abalahin sila nang hindi sinasadya.
- Lumikha at sundin ang isang iskedyul ng pag-post na epektibo para sa iyo. Ang mga nangungunang panahon ng pag-post sa social media ay 8 am, 6 pm, at 8 pm. Subukang mag-post ng nakakawiling mga content sa umaga at hindi gaanong nakakawiling mga content naman sa hapon o gabi.
- Ang “quality above quantity” ay ang gabay na dapat sundan. Tandaan na ang isang de-kalidad na post ay mas gusto ng mga tao kaysa sa limang maiikling posts na hindi kawili-wili.
- Ang paksa ng iyong channel ay tumutukoy sa dalas ng iyong pag-post. Kung ikaw ay isang news channel, nararapat lang na magpost araw-araw o oras-oras. Ngunit, kung iba ang iyong industriya, mainam na magpost lamang nang 2-3 beses kada linggo.
- Pumili ng angkop na araw. Sa mga araw ng trabaho o weekdays, ang mga users ay mas madaling tanggapin ang bagong impormasyon kaysa sa katapusan ng linggo.
Mga Bot Sa Telegram
Ang bot ay isang third-party na software na tumutulong sa mga users ng Telegram sa mga sumusunod na gawain:
- paggawa ng mga posts
- makipag-engage sa mga subscribers nang mas mahusay
- pagplanuhan ang mga publications
- pagsubaybay sa mahahalagang metrics
- paglikha ng mga alerts at notifications, at iba pa.
Mas pinapahusay ng mga bot ang Telegram. Tingnan ang ilan sa mga pinakakilalang Telegram bot:
- Ang @ControllerBot ay isang bot na tumutulong sa paglikha at pag-publish ng content (kasama ang pag-iskedyul ng mga posts). Maaari mo ring gamitin ang bot na ito upang magdagdag ng mga emojis sa iyong mga post at makita ang analytics.
- Ang @BotFather ay isang tagabuo ng chatbot mula sa SendPulse. Maaari itong magamit upang makabuo ng mga proseso ng auto-responder at ipaalam, payuhan, at mag-alok din ng mga produkto sa iyong madla.
- Ang @vote ay isang dalubhasa sa paglikha ng poll.
- Ang @LivegramBot ay tumutugon sa mga mensahe ng iyong mga subscribers, nagpapadala ng mga newsletter, at binibigyan ka ng mahalagang statistics.
- Tinutulungan ka ng @mrkdwnrbt sa pag-edit at pag-iiskedyul ng nilalaman.
Paano Magdagdag Ng Bot Sa Iyong Telegram Channel (@ControllerBot)
Upang magsimula, kailangan mo munang bumuo ng iyong sariling bot. Kopyahin at i-paste ang pangalang ito – @BotFather – sa Telegram search box. Ilagay ang /start command sa bot mula sa BotFather page. Pagkatapos, gamit ang /newbot na command, gumawa ng isang bagong bot.
Bibigyan ng system ang iyong bagong bot ng isang pangalan.
Kakailanganin mo ngayong magkaroon ng isang pangalan para sa iyong bot. Ang salitang “bot” ay dapat na kasama sa dulo. Kung ang username na pinili mo ay nakuha na, kakailanganin mong mag-isip ng iba.
Ang bot ay matagumpay na nabuo. Dapat mo na ngayong kopyahin ang token nito.
Sa search box, i-type ang @ControllerBot. Pumunta sa pahina para sa Controller Bot. Ipadala sa bot ang /start at /addchannel instructions.
I-paste ang token ng iyong bot.
Gawin ang iyong bagong gawang bot na isa sa mga admin ng iyong Telegram channel (tingnan sa itaas).
Kopyahin at i-paste ang iyong link sa channel mula sa iyong bio sa @ControllerBot dialog box.
Upang i-set ang timezone, ilagay ang iyong siyudad. At, tapos na! Ang iyong bot ay gumagana na.
Gamitin na ang iyong bot sa iyong negosyo at suriin ang iba pang mga kakahayan ng iyong bot.
Paano I-market Ang Iyong Telegram Channel at Subaybayan Ang Stats?
Maaring kailangang mamuhunan upang makapagtaguyod ng matatag na subscription base. Sa kabutihang palad, ang Telegram, ay mayroong maraming mga ad exchanges. Tukuyin kung aling mga channel ang magiging interesado ang iyong target audience o madla at doon i-promote o i-market ang iyong channel.
Maaari ka ring pumili ng isang channel na pareho o kaugnay ng iyong niche at makipag-ugnayan sakanila para sa mga PR promotions. Maaari mo ring gamitin ang social media (Instagram, Twitter, atbp.) upang i-promote ang iyong Telegram channel.
Maaari mo ring subukan na maitampok ang iyong channel sa press. Maaari kang sumulat ng mga artikulo gaya ng “Ang Pinakamahusay na Mga Telegram Channel sa [iyong industriya / angkop na lugar / larangan ng kadalubhasaan].” Tiyaking nasa itaas o ibaba ng listahan ang iyong channel. Ang mga mambabasa ay mas madaling matatandaan ang iyong channel sa ganitong paraan.
Stats Sa Telegram
Kung ginagamit mo ang iyong channel para sa negosyo, gugustuhin mong bantayan ang statistics nito. Gumamit ng @ChannelAnalyticsBot, Tgstat.ru, o Telemetr.me para sa mga metrics at analytics. Bigyang pansin ang sumusunod na impormasyon:
- ang kabuuang bilang ng mga subscriber
- ang pang-araw-araw na bilang ng mga views
- ang bilang ng mga reposts
- bilang ng mga mentions.