Ipinagmamalaki namin ang aming mga sarili sa Kitsune, hindi lamang sa pagbibigay ng mga mahuhusay na solusyong pangadvertising, mayroon din kaming walang kapantay na kadalubhasaan sa Telegram marketing. Ang Kitsune ay hindi iyong tipikal na kumpanyang pangmarketing. Ito ay pinapatakbo ng mga indibidwal na bihasa at may lubos na karanasan. Ito rin ay isang kumpanya kung saan nalinang namin ang ilan sa mga pinaka-dalubhasa sa Telegram, kung saan ang bawat isa ay nagtataglay ng mga kasanayang kinakailangan upang mag-advertise, mag-market, at mapalago ang iyong negosyo sa platform na ito. Dito sa amin, maihahatid ka namin sa iyong mga potensyal na customer at gawing tanyag ang iyong negosyo sa lalong madaling panahon. Ang aming mga serbisyo sa Telegram ay may kasamang:

Kasama Ang Mga Sumusunod Sa Aming Serbisyong Pang-Telegram

1. Paglikha At Pamamahala Ng Telegram Channel 

Ilarawan mo sa iyong isip ang kakayahang maibroadcast ang iyong mga serbisyo sa milyun-milyong tao gamit ang ilang mga pindot lamang. Isipin mong kaya mong tipunin at panatilihing updated sa iyong negosyo ang lahat ng iyong mga followers sa iisang platform lamang. Parang pantasya ba? Posibleng posible ito sa mga Telegram channels.

Kami sa Kitsune ay gumagamit ng isang malalim na pag-unawa sa Telegram upang likhain, pamahalaan, at pangasiwaan ang iyong mga channel ng negosyo. Hindi lamang ito tungkol sa mga channel ng Telegram sa pangkalahatan – bagkus, binibigyan namin ng diin ang solidong organisasyon at kritikal na pangangasiwa upang matiyak na maaari mong i-market ang iyong mga serbisyo nang walang abala. Bilang karagdagan, sinisiyasat din namin ang iyong natatanging mga kinakailangan sa negosyo at bumabalangkas ng mga diskarte na ikatatanyag ng iyong negosyo at matutulungan kang talunin ang iyong kumpetisyon. Maaaring matulungan ka ng aming propesyonal na pack sa:

Paglikha ng publiko at pribadong mga channel ng Telegram
Pamamahala ng iyong mga aktibidad sa channel
Pagbubuo ng isang natatanging diskarte
Pag-publish ng mga content na magpapalago ng iyong negosyo

2. Mga Telegram Ads 

Bagaman walang kakayahan ang Telegram na magkaroon ng regular na mga ads, maari ka pa rin magadvertise ng iyong mga serbisyo sa pamamagitan ng pagbili ng placement sa mga sikat na Telegram channels at groups. Ito ay isa ring mabisang paraan ng pagpapatakbo ng mga kampanya dahil may potential kang maabot ang milyun-milyong katao.

Gamit ang higit sa 10 taong karanasan at isang malawak na network ng mga viral Telegram channel, kami sa Kitsune ay nagdadala ng isang bagong mga posibilidad sa advertising sa iyong harapan. Ngunit ano nga ba ang eksaktong ginagawa natin sa maikling salita? Masusi naming pagaaralan ang iyong negosyo, mga kailangan upang lumago, hanapin ang ang pinakaepektibong mga diskarte, at ipromote ang iyong mga serbisyo sa pinakamainam na grupo ng mga tao na makakapagpataas ng iyong sales at brand awareness. Sa pamamagitan nito, napakalayo ng mararating ng paglago ng iyong negosyo at tiyak na maisasakatuparang ang iyong mga growth ideas. Maaari naming:

Patakbuhin ang mga kampanya ng advertising sa mga sikat na channel
Bilhan ng placement ang iyong content
I-target ang tamang madla na magpapalago ng iyong negosyo 

3. Pag-set Up Ng Bot Ng Telegram 

Ang mga bot ay lubos na kapaki-pakinabang pagdating sa pag-iipon ng mga pananaw ng customer at pag-aalok ng walang patid na availability. Gayunpaman, ang pag-set up ng mga bot ay hindi isang paglalakad sa parke dahil nagsasangkot ito ng iba’t ibang mga teknikal na aspeto na ang mga propesyonal lamang ang maaaring mamahala.

Sa Kitsune, naririnig ka namin. Pinagsasama namin ang aming kaalaman at karanasan upang lumikha ng isang natatanging uri ng mahusay na chatbot. Ang chatbot na maguugnay sa iyong negosyo at Telegram business channels, pinagbubuti ang lead generation, at ginagawang mas madali ang pakikipagugnayan sa iyong mga customer, habang dinadala ang iyong negosyo sa susunod na katanyagan.

Sa pamamagitan ng mga Telegram bot na pinamamahalaan namin, hindi mo na kailangang tumugon sa bawat query sa negosyo. Hindi na rin kailangan pang maghihintay ang iyong mga customer ng maraming oras upang malutas ang kanilang mga isyu. Ang aming mga bot ay awtomatiko na aasikaso sa mga query ng iyong mga customers at tuluyan nang padadaliin ang lahat ng interaksyon sa iyong mga customer!