Ano Ang Telegram?

Ang Telegram ay isang messaging service na nakatuon sa bilis at seguridad. Ito ay mabilis, madaling gamitin, at libre. Maaaring magamit ang Telegram sa lahat ng iyong mga devices nang sabay, kasama ang iyong mga mensahe na naka-sync sa lahat ng iyong mga telepono, tablet, at desktop. Ang Telegram ay isa sa mga pinakamaraming downloads na app sa buong mundo, na may higit sa 500 milyong buwanang mga aktibong gumagamit.

Ang Telegram ay magagamit upang magpadala ng mga mensahe, litrato, video, at files ng anumang uri (doc, zip, mp3, atbp.) sa hanggang 200,000 na mga indibidwal, at maaari ring gumawa ng mga groups at channels para sa pag-broadcast sa madla. Maaari kang magpadala ng mga text messages sa iyong mga contacts sa telepono at mga usernames. 

Ang Telegram ay malaki ang pagkakatulad sa SMS at email at maaaring magamit sa iyong mga personal at corporate na pangangailangan. Pinapayagan din nila ang end-to-end na naka-encrypt na mga komunikasyon mapa-voice o video man na mga komunikasyon, pati na rin ang mga voice group chats na may libo-libong miyembro. 

 

Saan Nakabatay Ang Telegram?

Ang development team para sa Telegram ay matatagpuan sa Dubai. Ang karamihan ng mga bumubuo ng Telegram ay mula sa St. Petersburg, na kilala sa maraming bilang ng mga kwalipikadong inhinyero. Dahil sa mga lokal na hadlang sa IT, napilitan ang koponan ng Telegram na iwanan ang Russia at sinubukan lumipat sa ilang mga lungsod gaya ng Berlin, London, at Singapore.

ano ang telegram

Para Kanino Ang Telegram?

Ang Telegram ay para sa lahat ng nagnanais na magpadala at makatanggap ng mga mensahe at tumawag nang mabilis at malinaw. Ang mga malalaking groups, username, desktop app, at mabilis na pagbabahagi ng files ng Telegram ay malaki ang naitutulong sa mga malalaki at maliliit na mga kumpanya.

Kayang suportahan ng telegram ang mga mensahe, mentions, at hashtags sa mga Telegram groups hanggang 200,000 na mga miyembro. Ang mga features na ito ay makakatulong na mapanatili ang kaayusan at panatilihing mahusay ang komunikasyon sa malalaking channels. Maaari kang magtalaga ng mga tagapangasiwa na may komprehensibong mga tool upang matulungan ang mga channels na mapanatili ang maayos na komunikasyon. Ang sinuman ay maaaring sumali sa isang pampublikong pangkat o groups, at ang mga ito ay isang magandang lugar upang magkaroon ng mga debate at makakuha ng feedback.

Ang Telegram ay mayroon ding animated gif search, mahusay na photo editor, at open sticker platform bilang mga karagdagang features. Bukod dito, hindi kailangang mag-alala tungkol sa kapasidad ng disk ng iyong telepono. Ang Telegram ay gumagamit lamang ng kaunting space sa iyong telepono, salamat sa cloud support nito at cache management options.

Ang mga naghahanap ng karagdagang privacy ay maaaring tingnan ang kanilang mga advanced na options at rebolusyonaryong mga patakaran. Maaari mong subukan ang kanilang Secret Chats na mayroong self-destructing messages, photographs, at videos – at karagdagang app lock kung nais mong panatilihing mas pribado ang iyong mga mensahe.

ano ang telegram

Paano Naiiba Ang Telegram Sa Whatsapp?

Ang Telegram, hindi katulad ng WhatsApp, ay isang cloud-based messenger na may seamless synchronization. Bilang resulta, maaari mong tingnan ang iyong mga mensahe mula sa maraming mga devices nang sabay, kasama ang mga tablet at PC, at makipagpalitan nang walang limitasyong dami ng mga photos, videos, at mga files (doc, zip, mp3, atbp.) hanggang 2 GB kada isa.

Ang Telegram ay nangangailangan lamang ng mas mababa sa 100 MB na space sa iyong smartphone, upang mapanatili mo ang lahat ng iyong media sa cloud nang hindi kinakailangang tanggalin ang anuman. Upang magbakante ng space, i-clear lamang ang iyong cache.

Ang Telegram ay mas mabilis at mas ligtas salamat sa multi-data center na imprastraktura at pag-encrypt nito. Bukod dito, ang pribadong chat ng Telegram ay mananatiling libre – walang mga advertisements at sucbsciprion fees kailanman.

Ang API at code ng Telegram ay bukas sa mga developer, at hinihimok sila na lumikha ng kanilang sariling mga Telegram app. Nag-aalok din sila ng mga Bot API, isang developer platform na nagbibigay-daan sa sinuman na lumikha ng na-customize na mga tools sa Telegram, i-integrate ang anumang mga serbisyo, at makatanggap din ng mga pagbabayad mula sa mga tao sa buong mundo.

Ito ay iilan lamang sa dinami-daming kakahayan ng Telegram.